PhilHealth para sa mahihirap

MANILA, Philippines - Nakatakdang ilunsad ngayong Setyembre ng Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (Phil­Health) ang nationwide registration para masakop ng PhilHealth ang mga mahi­hirap na Pinoy sa bansa sa loob ng tatlong taon.

Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona, ang mga PhilHealth desks ay ila­lagay sa mga public schools, municipal halls at lahat ng DOH-retained hospitals sa buong bansa.

Ayon naman kay Phil­health President at CEO Dr. Rey Aquino, maari na ring magpare­histro sa lahat ng Phil­Health regional and service offices.

Makakasama ng DOH ang DILG upang matiyak ang suporta ng mga lokal na pamahalaan sa pag-paparehistro habang ang papel naman ng DSWD ay ang pag-identify sa mga indigent upang matukoy na mga tunay na mahihirap na Pinoy ang mabibigyan ng libreng Philhealth co­verage­.

Tutulong naman ang DepEd sa pagbuo ng mga Philhealth desks sa mga public schools para i-encourage ang mga estud­yante at magulang na magparehistro at maging miyembro ng Philhealth.

Show comments