'Florita' sumibat na
MANILA, Philippines - Tuluyan nang lumayo sa bansa ang bagyong si “Florita” at patungo na ito sa direksyon ng South China Sea.
Ayon sa PAGASA, alas-10 kahapon ng umaga si Florita ay namataang nasa layong 340 kilometro sa kanluran hilagang-kanluran ng Baguio City.
Pinanatili nito ang kanyang lakas ng hanging 55 kph malapit sa gitna. Kumikilos ito patungong hilaga Hilagang kanluran sa bilis na 19 kph at inaasahang nasa layong 570 km sa West-Northwes ng Basco, Batanes ngayon.
Ang nasabing panahon ay inaasahang magdudulot ng habagat na magdadala ng ulan at malalakas na hangin sa Kanlurang bahagi ng Luzon.
Bagama’t walang storm signal na naitala, nagbabala ang PAGASA sa pagkakaroon ng pag-ulan at malalakas na hangin galing sa nasabing bahagi ng bansa.
Si Florita ay pang-anim sa cyclone na pumasok sa Philippine area of responsibility ngayong taon.
Samantala, isang low pressure area (LPA) ang namataan sa 390 kilometers sa Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.
- Latest
- Trending