Alarm and scandal na lang, SPO2 Mendoza lusot sa conspiracy

MANILA, Philippines - Hindi pumasok sa kasong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code o Conspiracy to Commit Illegal Detention ang nagawang pagwawala ni SPO2 Gregorio Mendoza, kapatid ng hostage-taker na si Capt. Rolando Mendoza, at sa halip kinasuhan na lamang siya ng piskalya ng serious disobedience o Alarm and Scandal.

Nabatid sa resolus­yong nilagdaan ni Ruben Duque, clerk of court ng Metropolitan Trial Court Branch 16, pinayagang magpiyansa ng P2,000 si Gregorio para sa pansamantalang kalayaan habang ang reklamong conspiracy na inihain ng Manila Police District-General Assignment Section ay may rekomendasyong ‘release for further investigation.’

Tumayong legal counsel ni Gregorio ang mismong hepe ng Public Attorneys’ Office na si Atty Persida Rueda-Acosta.

Kaugnay nito, natanggap na ni Insp. Armand Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, ang autopsy report mula sa PNP-Crime Laboratory na lumilitaw na pawang nagtamo ng mga bala sa ulo at dibdib ang mga turis­tang nabaril na sinasabing dahil sa pagkakayuko at pagtatago ng mukha nang atakehin.

Opisyal na kinilala base sa autopsy report ang walong biktima na sina Leung Song Yi, alyas “Jessie”, 14, babae, na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib; Leung Ken Kam, 50, lalaki, sa leeg; Leung Ching See, 21, babae, sa ulo; Ize Lam Wong, 51, lalaki, bandang itaas ng likuran bahagi ng katawan;Yeung Yee Wa, 41,babae, kaliwang balikat na tumagos sa baga;Cheuk Yan Fu,39,lalaki, sa dibdib; Yeung Yee Kam,46,babae, sa ulo;at Ting Cheun Tse,32, sa ulo.

Ang hostage-taker naman ay may walong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Show comments