^

Bansa

P-Noy lumambot sa media

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Nilinaw ng Malacañang na hindi kailanman ginamit ni Pangulong Noynoy Aquino ang media bilang palusot o “scapegoat” sa naganap na madugong hostage crisis.

Paliwanag ni Presidential Communications Secretary Ricky Carandang, hindi umano sinisisi ng Palasyo ang mga mamamahayag sa mga nangyari at sa halip ay hinihikayat lamang umano ng Pangulo ang lahat partikular na ang PNP at media upang mapabuti ang sitwasyon.

Idinagdag pa nito na welcome naman umano ang ginagawa ng media na self-examination at ang nakatakdang dayalogo sa susunod na linggo bukod pa sa summit na pangungunahan ng KBP, DILG at PNP.

Mag-iikot din umano ang kinatawan ng Palasyo sa mga media networks upang makipag-usap.

“You know, the President never used the media as scapegoat and none of us from Malacañang had ever blamed the media for what happened. Ang sinabi ni Pangulo is he was basically enjoining everybody, including the police and including ourselves, to see what we can do to improve the situation,” ayon pa kay Carandang.

Matatandaan na sa gi­nawang press briefing noong madaling araw ng Martes ilang oras matapos ang hostage crisis ay tahasang sinisi ni P-Noy ang media kung saan partikular na tinukoy nito ang “blow by blow coverage” ng media sa insidente kayat nahirapan umano ang mga pulis na magsagawa ng operasyon.

Dahil dito kaya umalma naman ang iba’t ibang media organizations sa pangu­nguna ng KBP at Nation­al Press Club (NPC) at iginiit na ginawa lamang nila ang kanilang trabaho kayat dapat ding ipatupad ng PNP ang kanilang tungkulin sa crowd control.

vuukle comment

CARANDANG

DAHIL

IDINAGDAG

MALACA

MEDIA

PALASYO

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS SECRETARY RICKY CARANDANG

PRESS CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with