^

Bansa

Passport ibinato ng immigration officer, Jinggoy binastos sa HK

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Natikman ni Senator Jinggoy Estrada ang galit ng isang taga-Hong Kong national matapos ibato sa kaniya ang kaniyang passport nang magtungo siya sa nasabing bansa kamakalawa ng gabi.

Ayon mismo kay Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment & Human Resource Development, sa halip na ibalik sa kaniya ng maayos ng immigration officer sa Hong Kong ang kaniyang pasaporte matapos niya itong patatakan ay ibinato ito sa kaniya.

“Ibinato lang naman sa akin ang passport ko,” text ni Estrada nang kumustahin ang naging biyahe niya sa Hong Kong kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Estrada na hindi na niya pinatulan ang nasabing immigration officer at nauunawaan niya ang damdamin nito.

“I know how they feel. Hindi big deal,” sabi pa ng senador na nagtungo sa Hong Kong upang kumustahin ang lagay ng mga OFWs.

Hindi alam ng nambastos na immigration officer na senador sa Pilipinas si Estrada dahil hindi naman ito gumamit ng diplomatic passport at sa regular lane siya dumaan.

Sinabi naman ni Sen. Tito Sotto na hindi dapat magmadali ang Pilipinas para mawala ang galit ng mga taga-HK lalo pa’t ganito rin ang naramdaman ng mgaPinoy ng bitayin sa Singapore ang OFW na si Flor Contemplacion.

AYON

FLOR CONTEMPLACION

HONG KONG

HUMAN RESOURCE DEVELOPMENT

IBINATO

PILIPINAS

SENATE COMMITTEE

SENATOR JINGGOY ESTRADA

SINABI

TITO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with