^

Bansa

GMA lumiham sa HK, China dahil sa hostage-tragedy

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Lumiham kahapon si dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Chinese government at Hong Kong upang ipaabot ang pakikiramay sa 8 HK nationals na nasawi sa hostage-taking noong Lunes.

Sinabi ni Rep. GMA sa kanyang liham kay Hong Kong chief executive Donald Tsang at Chinese Prime Minister Wen Jiabao na mabibigyang hustisya ang sinapit ng mga biktima sa hostage taking noong Lunes.

Ginawa ni Arroyo ang hakbang upang pahupain ang tension sa pagitan ng Chinese at RP government kaugnay ng naganap na madugong hostage-taking noong Lunes.

Nanawagan din si GMA na parusahan ang mga matu­tukoy na responsable sa naging kapalpakan ng negosasyon na nauwi sa pagkasawi ng 8 bihag na HK nationals na binihag ni Sr. Insp. Rolando Mendoza. Napatay din si Mendoza matapos ang mahigit 10-oras na hostage drama. Nangako si Mrs. Arroyo kay Wen na kanyang tututukan ang imbestigasyon para makamit ang hustisya ng mga biktima.

CHINESE PRIME MINISTER WEN JIABAO

DONALD TSANG

GINAWA

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HONG KONG

LUMIHAM

MRS. ARROYO

PAMPANGA REP

ROLANDO MENDOZA

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with