Lapus, 11 pa kakasuhan sa noodle scam
MANILA, Philippines - Magsasagawa na ng preliminary investigation ang tanggapan ng Ombudsman hinggil sa kasong criminal na naisampa dito laban sa mga opisyal ng Department of Education at ilang pribadong indibidwal dahil sa kontrobesiyal na noodle scam.
Kinilala ang mga respondents sa kaso na naisampa ng Field Investigation Office (FIO) ng Ombudsman ay sina dating DepEd Sec. Jesli Lapus; dating DepdEd BAC Chairman at Undersecretary Teodosio Sangil Jr.; dating BAC Vice-Chairperson Demetria Manuel; ang mga dating BAC-members Nanette Mamoransing, Macur Marohombsar at Artemio Capellan, Jr.; dating Officer-in-Charge Ramon Bacani; at private respondents na sina Alexander Billan, Gil Quenano, Lino Ong, Teresita Parco at Terencio Taloma ,pawang mula sa Jeverps Manufacturing Corporation (Jeverps).
Noong 2007 at 2008, naaprubahan ang pagbili sa mga noodles na hiwalay sa pagbili ng itlog pero hindi naman naitala dito kung ang itlog ay dagdag na component bilang ingredients sa noodles pero ang kontrata noong 2007 procurement ay 16,495,718 pcs. na may 100-gram pack ng noodles of “Fortified Instant Noodles with Fresh Eggs” na may halagang P283,626,515.66 sa ilalim ng DepEd’s “Food For School Program” na inaward sa Jeverps. Lumabas sa imbestigasyon na ang lisensiya ng Jeverps’ ay sinuspinde ng Bureau of Food and Drugs (BFAD).
Sa SGS findings, ang noodles ng Jeverps ay walang halong itlog taliwas sa kontrata nito sa DepEd.
- Latest
- Trending