Piston hindi sasama sa transport holiday
MANILA, Philippines - Hindi sasama ang may 250,000 strong member ng militanteng transport group na Pagkakaisang Samahan ng Tsuper at Opereytors Nationawide (PISTON) sa planong transport holiday ng ilang transport group.
Ayon kay George San Mateo, secretary-general ng Piston, hindi balido ang rason ng transport groups na Altodap, Fejodap, Altop ,Mjoda na iba pa na magtitigil pasada sila dahil magdudulot lamang ito ng epekto sa maliliit na mamamayan at magbibigay daan sa mga illegal vehicles na makapasada sa panahon ng transport strike.
“I don’t see the logic of the move. If they really want the government address the colorum and other illegalities they should pressure the concerned government agencies and not though a transport strike,” pahayag ni San Mateo.
Aniya, mas mainam na gawin na lamang ng mga grupong ito na i-pressure ang Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ilang ahensiya ng pamahalaan na ipatupad ng husto ang kanilang mandate na lulutas sa problema ng mga magtitigil pasadang transport group na ang sentimiento ay para labanan ang colorum at kotong sa lansangan.
- Latest
- Trending