Suspensyon sa sangkot sa ballot secrecy folder kinatigan ng CA

MANILA, Philippines - Wala ng legal na had­lang upang ituloy ang suspension laban sa mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na sangkot sa kontrobersyal na overpriced Ballot Secrecy Folder scam.

Ito ay matapos na iba­sura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng Co­melec na humihiling na magpalabas ang korte ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa imple­mentasyon ng suspension order laban sa kanila.

Sa 2-pahinang resolution ng CA Special 15th Division sinabi ng korte na walang malinaw na ebi­densya na naipakita ang mga petitioner para patu­nayang karapat dapat silang mabigyan ng TRO.

Magugunita na una ng nagpalabas ng 6 month suspension ang Ombudsman laban kina Comelec Bids and Awards Committee chairman Atty. Maria Lea Alarkon; at mga mi­yem­bro ng BAC na sina Atty. Allen Francis Abaya, Atty. Maria Norina Casi­ngal, Atty. Martin Niedo, at. Antonio Santella.

Kasabay nito ay ina­tasan ng CA ang Office of the Ombudsman na mag­paliwanag sa loob ng sam­pung araw kung bakit hindi dapat na pagbigyan ng appellate court ang kahi­lingan ng mga Comelec official na baliktarin ang findings ng Ombudsman sa kaso ng mga ito.

Magugunita na muntik ng pasukin ng Comelec ang kontrata sa pagitan nito at ng OTC paper supply para magsuplay sana ng mga ballot secrecy folder na gagamitin sana noong May 10 election su­balit nabuking na overpriced pala ito ng da­an-daang milyon.

Show comments