MANILA, Philippines - Nasawi sa tama ng bala ng malalakas na kalibre ng armas ang 8 turista sa madugong hostage na ikinamatay rin ng hostage-taker na si dating Sr. Inspector Rolando Mendoza.
Sa press briefing sa Camp Crame, ipinakita sa mediamen ni PNP Spokesman Sr. Inspector Agrimero Cruz ang autopsy at post mortem examination sa bangkay ng mga biktima, tatlo rito ay natukoy na Canadian national at lima naman ang Hong Kong nationals.
Tumanggi si Cruz na tukuyin ang mga pangalan ng mga nasawing turista na karamihan ay may tama ng bala sa ulo, leeg at katawan kung saan nilinaw na wala ring namatay sa pukpok ng maso at nalaslas ang leeg tulad ng mga naunang napabalita.
Pinawi rin nito ang espekulasyon na posibleng nag-suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili si Mendoza dahilan wala itong ‘tattoing ‘ sa ulo at sniper ng SWAT ang nakabaril dito.
Si Mendoza ay may isang tama ng bala sa ulo, dalawa sa leeg at lima pa sa iba pang bahagi ng kaniyang katawan.