MANILA, Philippines - Planong makipagdayalogo ni Pangulong Noynoy Aquino sa media matapos ang naganap na madugong hostage-taking kamakalawa ng gabi kung saan nagpalala raw sa sitwasyon ang ginawang blow-by-blow account ng isang tv station at radio stations.
Sinabi ni Pangulong Aquino, nahirapan ang assault team ng pulisya na makalapit sa hinohostage na bus dahil kitang-kita ng hostage-taker na si Sr. Insp. Rolando Miranda ang bawat kilos ng mga pulis dahil sa live coverage ng telebisyon.
Nais ni P-Noy na magkaroon ng limitasyon ang ginagawa ng media sa ganitong mga sitwasyon upang hindi lumala ang pangyayari.
Nabigla ang Pangulo sa mabilis na pagbabago ng mga pangyayari dahil mula sa malumanay na hostage-taker ay naging marahas ito dahil sa napapanood niya sa tv.
Nilinaw nama ni Communications Group Sec. Sonny Coloma na hindi sinisisi ng gobyerno ang media sa pagwawala ni Mendoza na naging dahilan para patayin ang ilan sa kanyang hostages. Aniya, nais niyang malaman kung ano at sino ang nagtulak kay Mendoza upang pumatay ito ng kanyang mga bihag.