Pinas nagpadala ng delegasyon sa Hong Kong
MANILA, Philippines - Magpapadala ng delegasyon ang gobyerno sa Hong Kong upang personal na makipag-usap kay Hong Kong Administrator Donald Tsang upang ipaliwanag ang nangyari sa naganap na hostage taking, kamakalawa.
Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Sec. Ricky Carandang, personal na ring tinawagan ni P-Noy si Tsang upang ipaabot ang pakikiramay ng gobyerno sa sinapit ng mga HK nationals na naging bihag sa nasabing hostage-taking.
Ayon kay Carandang, bagama’t lumikha ng matinding galit sa mga Hong Kong residents ang nangyaring hostage-taking ay wala namang iniulat na ‘ginantihan’ ang mga Pinoy sa HK bukod sa sinasabing isang Pinoy ang pinaalis ng kanyang among HK sa trabaho.
Idinagdag pa ni Carandang, inaalam pa rin ng gobyerno kung may katotohanan ang nasabing ulat na sinibak sa trabaho ang isang Pinoy ng kanyang among HK nationals.
“These are the things that we want to address. It’s not right that ordinary citizen should be paying the price,” dagdag pa ng Palace official.
- Latest
- Trending