^

Bansa

Apela sa mga magulang:Mga anak na nagra-rali gabayan - DepEd

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Department of Education sa mga magulang ng mga batang mag-aaral na ayusin ang superbisyon sa kanilang mga anak na dapat ay nag-aaral at du­madalo sa kanilang mga klase at hindi ang pagra-rally ang inaatupag. 

Pahayag ito ng DepEd matapos masugatan ang limang militanteng high school students na nagpu­milit pumasok sa main building ng ahensiya at nakipagbuno sa mga security guard sa isang rally noong Biyernes.

Sa kabila nito, inamin ni DepEd Undersecretary Alberto Muyot na may karapatan rin naman ang mga bata na maihayag ang kanilang mga saloobin sa pamahalaan na ginaga­rantiyahan ng kanilang karapatang pantao.

Sinabi ni Muyot, na wala silang intensyon na pagbawalan ang sinu­mang nais pumasok at pu­munta sa ahensya maging estudyante, magulang o empleyado nila na may reklamo sa kagawaran.

Samantala nasa pro­seso pa uma­no sila ng pag­­re-review ng video footage sa naturang dispersal at nasa pagta­tanong pa ang mga guwar­diya kung anong uri ng “protocol” ang kanilang sinunod.

Masyado pa umanong maaga na sabihin na nag­karoon ng paglabag sa “childrens rights” ang mga guwardiya nang ipagta­buyan ang mga batang raliyista at sinasabing pinagpupukpok pa ng batuta ang ilan na isinugod sa pagamutan.

Sinabi ni Muyot na aala­min umano ng kani­lang legal officers ang mga tunay na hinaing ng mga batang raliyista at haha­rapin ang mga ito sa nais na dayalogo upang ma­pag-usapan ang kanilang problema. 

Kabilang sa mga inire­reklamo ng mga high school students ang hindi umano pagpapatupad ng “refund” ng kanilang mga paaralan sa naibayad nilang “school fees” na ipinagbabawal ng DepEd at ang pagkontra sa dag­dag na 2 taon sa kuri­ kulum ng basic education.

BIYERNES

DEPARTMENT OF EDUCATION

KABILANG

KANILANG

MASYADO

MUYOT

SHY

SINABI

UNDERSECRETARY ALBERTO MUYOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with