^

Bansa

Prangkisa ng mga bus pinarerepaso ng Palasyo

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng Malacanang na binibigyan ng prayoridad ng gobyerno ang mas mahigpit na road-safety program matapos maganap ang sunod-sunod na aksidente sa Baguio at Bicol kung saan nasawi ang isang beauty queen.

Sinabi ni Communications Group Sec. Sonny Coloma, inatasan ng Pa­ lasyo ang Department of Transportation and Communications (DOTC) na repasuhin ang mga pang­kisa na ibinigay sa mga bus operators gayundin ang mahigpit na sistemang ipapatupad sa pagkakaloob ng mga driver’s license. 

Nasawi noong Sabado ang 24-anyos na si 2009 Bb. Pilipinas-International Melody Gersbach kasama ang 2 iba pa matapos salpukin ng bus ang kani­lang sasakyan habang patungo sa Naga City.

Noong Miyerkoles na­man ay 42 katao ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang sinasak­yang bus sa Benguet mula sa La Union.

“Kapag binigyan ng prangkisa, dapat sinusuri din ang qualifications ng drivers at tiyakin na sila ay talagang handa na maging professional drivers. Dapat ay mataas ang antas ng kanilang kaalaman sa pagmamaneho,” paliwanag pa ni Sec. Coloma.

Ipinasuspinde na ng LTFRB ang prangkisa ng Guevara bus na naka­bangga sa sasakyan ni Gersbach.

BENGUET

BICOL

COLOMA

COMMUNICATIONS GROUP SEC

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

LA UNION

NAGA CITY

NOONG MIYERKOLES

PILIPINAS-INTERNATIONAL MELODY GERSBACH

SONNY COLOMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with