Kotong cops sa Taguig may paglalagyan

MANILA, Philippines - Siniguro ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na may paglalagyan ang mga abusado at kotong cops sa lungsod.

Inihayag ito ni Caye­tano matapos umabot sa kanyang tanggapan ang diumano’y pangongotong ng isang pulis na naka­talaga sa kanyang opisina.

Ipinag-utos na ni Mayor Lani kay Taguig Police Chief Senior Supt. Camilo Cas­colan na magsagawa ng malalim na imbesti­gasyon at magsampa ng kauku­lang kaso sa lalong mada­ling panahon.

“We will not tolerate any form of illegal activities by any member of the local police force or even mem­bers of PNP assigned to pro­tect the Mayor or Her Office,” pahayag naman ni Team Cayetano spokes­man at former councilor Atty. Darwin Bernabe Icay.

Isa pang insidente ang nangyari sa isang resto bar kung saan isang police major ang nagpaputok ng baril at inireklamo ng may ari ng establisimyento.

Personal na pinapunta­han ni Mayor Lani ang resto bar kahapon at tinawagan ang chief of police para sa pag­sa­sampa ng reklamo at sini­guro sa mga saksi na la­labas ang katoto­hanan. Hin­di pa binanggit ang pa­ngalan ng pulis ha­bang nag­­kakaroon pa ng imbes­tigasyon.

Ang mabilis na aksyon ni Mayor Lani ay bunsod ng iba’t ibang ulat sa kanya na mayroong pulis na nag­sa­sagawa ng pa­ngo­ngo­tong sa mga naka­kalat na ne­gosyo sa Taguig at gina­ga­mit ang kanilang posis­yon upang maka­kuha ng pera.

Kasabay nito, nanawa­gan si Mayor Lani sa mga vendor, jeepney at tricycle drivers na huwag magba­yad at magreklamo kung may maniningil ng terminal fee o anumang fee na wa­lang mapapakitang ordi­nansa, official order at re­sibo ng gob­yerno.

Kasama ng pa­na­wagan ang war­ning sa mga empleyado ng city government na “one strike policy” kung saan ang mga mapapatunayang nango­ngo­tong ay tanggal agad sa pwesto at ka­kasuhan.

Show comments