Walang marangyang dinner sa US trip ni P-Noy
MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang na magiging maliit lamang ang delegasyon ni Pangulong Aquino sa kauna-unahang out of the country trip nito sa susunod na buwan at wala ring marangyang dinner sa Le Cirque.
“Kilala nyo naman si President he’s not the type to go to fancy restaurants,” wika ni Presidential Communications Group Sec. Ricky. Carandang kaugnay sa pagpunta ni P-Noy sa Amerika sa September 20 para dumalo sa United Nations General Assembly
Sasaksihan din ng Pangulo ang paglagda sa $434 milyong grant ng Millennium Challenge Corp. at makikipag-usap sa Philippine Development Foundation para sa information technology projects.
Inaasahang mananatili si P-Noy ng isang linggo sa US at manghihikayat din ng mga investors mula sa Silicon valley habang hindi pa pinal kung makikipagkita ito kay US President Barrack Obama sa White House.
Bago magtungo sa US ay magpupunta muna ito sa Indonesia sa Sept. 14-15 bilang tradisyon na dinadalaw muna ang mga ASEAN-member countries para sa unang biyahe ng nanalong Pangulo ng bansa.
- Latest
- Trending