Customs nagsampa ng P68-M smuggling case vs luxury car dealer
MANILA, Philippines - Kinasuhan na ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ang isang big time car dealer na hinihinalang nag-smuggle ng mga luxury vehicle sa bansa.
Ayon kay Customs Commissioner Lito Alvarez, nabuking nila na ang modus operandi ng Viking Haulers ay idinedeklara na mga motor vehicle ang mga nasabing mamahaling sasakyan.
Kasama sa mga kinasuhan si Reynaldo Pazcoguin, presidente ng Vikiing Haulers; Rodelito Biag, vice-president nito; Ofelia Pazcoguin, corporate sec. ng kumpanya, isang customs broker at iba pa.
Aabot sana sa P68 milyon ang dapat na bayarang duties and taxes ng nasabing kumpanya para sa 10 luxury vehicle na hindi nito idineklara.
Kasama sa mga mamahaling sasakyan na hindi idineklara ng nasabing kumpanya ang 2010 model ng Lamborghini Gallardo, 2010 model ng Mercedes Benz SL 65, 2010 model ng Porsche GT3, at 2010 Lambhorgini Murcielago.
Nagbabala naman si Alvarez sa Viking Haulers na kung mabibigo ito na bayaran ang kulang nitong duties and taxes ay kukumpiskahin nila ang mga nasabing sasakyan.
- Latest
- Trending