MANILA, Philippines - Under surveillance ang na-demote na si Philippine Navy Rear Admiral Feliciano Angue kaugnay ng expose nito sa promosyon sa hanay ng mga pinapaborang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sinabi mismo ni Angue na simula ng ibulgar niya ang nasabing iregularidad sa ilalim ng liderato nina AFP Chief of Staff Lt. Gen. Ricardo David at Defense Chief Voltaire Gazmin ay inaasahan na niya ang nasabing paniniktik.
Nabatid na may ilang hindi kilalang mga personalidad na hinihinala ng opisyal na intelligence operatives ng AFP ang nagpanggap pang mga mediamen sa kaniyang mga press conference nitong nakalipas na mga araw. Ilang mga behikulo rin ang palihim na tumutugaygay kay Angue sa mga lugar na pinupuntahan nito.
Ayon naman sa ilang insiders sa Camp Aguinaldo, normal lamang ang isailalim sa surveillance operations ng ISAFP lalo na ang mga opisyal na may nalalaman sa mga iskandalo sa organisasyon.
Isa rin si Angue sa testigo sa kontrobersiyal na “Hello Garci”.