VP Binay nagpalabas ng direktiba hinggil sa housing project
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng direktiba si Vice President Jejomar Binay sa National Housing Authority (NHA) na muling pag-aralan ang programa ukol sa pabahay at kalagayan ng mga informal settlers kaugnay sa sunud-sunod na reklamong natatanggap nito.
Ayon kay Binay na kasalukuyang Chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDDC), binigyan niya ng 15 araw ang NHA para makapagsumite ng report.
Ayon kay VP-Binay, karamihan sa mga reklamo ng mga na-relocate na pamilya ay ang kawalan ng trabaho o pwede nilang pagkakitaan, magulo, mababang kalidad ng lugar dahil sa kawalan ng tubig at kuryente at iba pa.
Dahilan dito, nais ni Binay na rebyuhin ang paraan ng paglilipat sa pamilya mula sa pagdi-demolish ng kabahayan ng mga ito hanggang sa lugar na paglilipatan sa resettlement area.
Inatasan pa ni Binay ang NHA na “magsagawa ng internal assessment base sa “government’s resettlement policies” at practices sa apat na proyekto na: the Northrail Project (Phase 1); Northrail-Southrail Linkage Project; relocation for victims of typhoons Ondoy at Pepeng; at resettlement programs para sa local na pamahalaan.
- Latest
- Trending