Demosyon kinuwestyon ng heneral

MANILA, Philippines - Kinuwestyon ni outgoing AFP-NCR Command chief Rear Admiral Feliciano Angue ang ginawang demosyon sa kanya at napipintong itapon sa Mindanao.

Ayon kay Rear Adm. Angue, ano ang dahilan para I-demote siya mula sa 3-star position sa mas mababang posisyon gayung wala naman siyang nagagawang kasalanan o pagkakamali.

Ililipat si Angue na miyembro ng PMA Class 78 bilang commander ng Naval Forces sa Western Mindanao. Ang puwesto ay para lamang sa 1-star general.

Inamin ni Angue na demoralisado ito at iba niyang mistah sa PMA Class 78 dahil sa sobrang ‘pamumulitika’ sa kanilang hanay.

Aniya, ang demosyon ay para lamang sa opisyal at tauhan ng AFP na nakagawa ng pagkakasala.

“In my 32 years as an officer of the AFP, this is the first time that I would be a witness to the humiliation of demotion of a Flag Rank or a Ge­neral Officer,” ani Angue na hinamon ang liderato ng AFP na gawing matuwid ang sistema nito sa promosyon ng mga opisyal.

Idinagdag pa ni Angue na handa siya sa anumang mangyayari kung saan ang ‘worst case scenario’ ay ang isailalim siya sa court martial.

Show comments