MANILA, Philippines - Inilunsad kahapon ng tanghali ang official website ni Pangulong Benigno Aquino III, ayon kay Communications Group Sec. Sonny Coloma.
Ayon kay Sec. Coloma, ang website ng Pangulong Aquino ay maglalaman ng kanyang araw-araw na akbitidad.
Wika pa ni Sec. Coloma, ang sinuman ay puwedeng magkaroon ng access sa website ng Pangulo na www.president.gov.ph upang malaman ang Gawain ng Pangulo.
Umapela naman si Coloma na huwag gagamit ng mga ‘jejemon’ at ‘beckemon’ languanges sa paglalagay ng comment gayundin sa twitter, facebook, multiply at youtube account ni Pangulong Aquino.
Aniya, layunin ng mga social networking website ni P-Noy ay malaman ng publiko ang ginagawa ng Pangulo at magsilbi ding feedback mechanism ng gobyerno sa mga comment ng taumbayan.