RFID pinababasura kay P-Noy

MANILA, Philippines - Iginiit ng ibat ibang sektor kay Pangulong Noynoy Aquino na tuluyan nang ibasura ang anila’y money making Radio Frequency Identification Device (RFID) project ng Stradcom Corp. para raw maibsan nito ang prob­lema sa colorum at out of line vehicles sa bansa.

Ayon kay Goerge San Mateo, secretary general ng PISTON, wala nang dahilan para ituloy pa ang RFID dahil hindi naman ito makakalutas ng colorum at out of line vehicles sa bansa bagkus ay dagdag gastusin lamang at pa­ hirap sa taumbayan.

Sinabi din ni San Mateo na dapat ding alisin na ang interconnectivity fee na sinisingil ng Strad­com sa kanila gayung nagbabayad na sila sa kumpanya ng mataas na halaga ng computer fee oras na maire­histro ang kanilang sasak­yan sa LTO.

Mas mainam anilang gawin ng Stradcom ay ang pagre-refund ng RFID fee na nasingil nito sa mga motorista.

Show comments