^

Bansa

R.A.9009 protektahan - LCP

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Umapila sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang League of Cities of the Philippines (LCP) sa pa­ngunguna ni Caloocan City Mayor at LCP Chairman of the Board Enrico “Recom” Echiverri na protektahan ang Republic Act 9009 ng Local Government Code.

“Nakasaad sa R.A. 9009 na dapat mayroong land requirement na 150,000 square kilometers, annual income na P100 M as certified by the Department of Finance at may populasyon na 100,000 ang isang munisipyo bago maging ganap na siyudad,” sabi ni Echiverri.

Nakiusap din si Echi­verri at ang LCP na may 122 miyembrong siyudad sa mga mambabatas na suriing mabuti ang naka­saad sa R.A.9009 that practically mandates the conversion of municipalities into cities dahil sa 16 na munisipyo ang naging siyudad kahit na hindi ito nakapasa sa ipi­nag-uutos ng batas.

Nangangamba rin ang LCP na kung hindi susun­din ang nakasaad R.A. 9009 maaring lahat ng munisipa­ lidad ay puwede ng maging siyudad o kahit na isang barangay puwe­deng ma­ging siyudad na rin.

Ipinababatid din ng LCP na hindi naman sila tutol sa mga munisipalidad na nais maging ganap na siyudad subalit kailangang maka­ pasa muna ang mga ito sa mga requirements na na­katakda at nakasaad sa R.A.9009.

CALOOCAN CITY MAYOR

CHAIRMAN OF THE BOARD

DEPARTMENT OF FINANCE

ECHI

ECHIVERRI

LEAGUE OF CITIES OF THE PHILIPPINES

LOCAL GOVERNMENT CODE

MABABANG KAPULUNGAN

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with