^

Bansa

Bigamya vs BOC official ituloy - CA

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Inutos ng Court of Appeals (CA) na ituloy ang kasong bigamya laban sa isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC). Sa 29-pahinang desisyon ni Former Special 23 division ng CA Mindanao na isinulat ni Associate­ Justice Angelita Gacutan, ibinasura nito ang petition­ for certiorari ni Customs Subic Collector Atty. Marietta Zamoranos dahil sa kawalan ng merito.

Inatasan din nito si Iligan RTC Branch 6 Judge Oscar­ Badelles na litisin na si Zamoranos. Iginiit ng Appellate court na hindi umabuso sa kapangyarihan ang Iligan RTC dahil sa kawalan ng hurisdiksyon ng ibasura nito ang motion to quash na inihain ni Zamoranos.

Noong June 2010 ipinag-utos din ng CA 22nd Division ang suspension laban kay Zamoranos mula anim hanggang 1 taon bunsod sa pagpapakasal ng dalawang beses.

Nag-ugat ang kaso noong Agosto 2009 ng mag­reklamo ang dati nitong asawa na si Samson Pacasum Sr., collector ng Port of Illigan. (

BUREAU OF CUSTOMS

COURT OF APPEALS

CUSTOMS SUBIC COLLECTOR ATTY

FORMER SPECIAL

ILIGAN

JUDGE OSCAR

JUSTICE ANGELITA GACUTAN

MARIETTA ZAMORANOS

NOONG JUNE

ZAMORANOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with