MANILA, Philippines - Hindi umano solusyon ang paghihiwalay ng mag-asawa sa pagkakaroon ng problema sa kanilang pagsasama.
Ayon kay Lingayen-Dagupan archbishop emeritus Oscar Cruz at chairman ng Matrimonial Tribunal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), mas kailangan ang masusing pag-uusap ng mag-asawa sakaling nakakaranas na sila ng matinding pag-aaway.
Aniya, marami pa rin namang solusyon na maaring gawin kung umabot na sa pananakit. Maaari umanong ipagamot ang nananakit at bigyan ng counseling.
Sinabi ni Cruz na dapat na isipin ng mag-asawa ang kanilang mga anak at ayusin ang pagkakamali sa magandang paraan para hindi mauwi sa hiwalayan ang pagsasama.
Payo ng arsobispo, kailangan ng mag-asawa na lumapit sa Simbahan kung may problema upang hindi sila maghiwalay.