Truth Commission pinabubuwag
MANILA, Philippines - Dumulog na sa Korte Suprema ang minorya sa Kamara upang hilingin na ipawalang bisa ang pagkakatatag ni Pangulong Noynoy Aquino ng Truth Commission dahil sa pagiging labag sa 1987 Constitution.
Sa 55-pahinang petition for Certiorari and Prohibition nina House Minority Leader Edcel Lagman kasama sina Cong. Rodolfo Albano Jr., Simeon Datumanong at Orlando Fua Sr., iginiit ng mga ito na ang Truth Commission ay maituturing na discriminatory dahil ang mandato nito ay ang imbestigahan ang mga opisyal ng nakaraang administrasyon.
Ipinaliwanag ng mga ito na ang Executive Order na nagtatag ng Truth Commission ay labag sa equal protection clause na isinasaad ng batas.
Kinuwestyon din ng mga ito kung bakit partikular na target ng Truth Commission ang mga opisyal ng katatapos na administrasyon na sangkot umano sa korapsyon gayung hindi isinama sa iimbestigahan ang mga opisyal ng mga nakalipas na administrasyon na maaaring nasangkot din umano sa katulad na kaso.
- Latest
- Trending