^

Bansa

'Wag bigyan ng pabor si Ping - CBCP

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Umapela kay Pa­ngu­long Aquino ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Phi­lippines na huwag bigyan ng espesyal na trato ang nagtatagong si Senador Panfilo “Ping” Lacson na su­muporta sa kanya noong eleksiyon.

“That should be condemned. There should be no political payback,” pa­ha­yag ni Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, chairman ng CBCP public affairs.

Hiniling din ni Bishop Iniguez na aksyunan agad ng gobyerno ang ulat sa paglitaw muli ng sindika­tong Kuratong Baleleng.

Ayon sa military intelligence source, si Lacson ay maaari umanong nagta­tago sa Ozamis at kinakan­long ng isang grupo na may kaugnayan sa Kuratong.

Si Lacson ang pangu­nahing suspek sa isang kilalang kaso ng pagpatay kung saan sangkot ang mga miyembro ng Kuratong.

Sa 36 na pulis na ina­ kusahang kasama sa Kura­tong Baleleng case, may 27 ang ngayon ay nasa “active duty” pa din habang ang iba at nagbitiw sa tungkulin, nagretiro o kaya ay naka­kulong dahil sa iba pang kaso ng pagpatay.

Si Lacson ang pinuno ng Task Force Habagat sa ilalim ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) na umano’y dawit sa pagpatay sa 11 mi­yem­bro ng Kuratong Ba­leleng robbery gang no­ong Mayo 18, 1995.

Kinasuhan si Lacson dahil sa Kuratong murder case noong 1995 ngunit ito ay natabunan matapos na mawalan ng ganang tu­mestigo ang mga saksi, lalo na ng manalo ang da­ting boss ni Lacson na si dating pangulong Joseph Estrada noong 1998.

Matapos na siya ay manalo, hinirang ni Estrada si Lacson bilang pinuno ng PNP at ng dating Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).

Ang Kuratong Baleleng ay isang kidnapping group na umano’y nasa ilalim ng proteksiyon ng ibang opisyal ng pulis na nag­desisyon na kumalas sa grupo noong 1995.

ANG KURATONG BALELENG

BISHOP INIGUEZ

CALOOCAN BISHOP DEOGRACIAS INIGUEZ

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHI

JOSEPH ESTRADA

KURATONG

KURATONG BA

LACSON

SHY

SI LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with