^

Bansa

AH1N1 pandemic tapos na - WHO

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ipinahayag ni World Health Organization (WHO) Director General Margaret Chan na tapos na ang AH1N1 pandemic sa buong mundo at wala na sa phase six ng pandemic ang mundo.

Lumilitaw na ang phase 6 ay ang pinakamataas na alert level ng influenza. Sa ngayon umano ay nasa post-pandemic phase na ang swine flu kung saan ang mga sintoma ng virus ay katulad na lamang ng ordinaryong influenza.

Subalit babala ng opisyal, dapat pa ring maging maingat ang mga bansa sa paglaganap ng virus dahil may posibilidad na ang vaccines at anti-viral drugs para sa AH1N1 ay hindi magiging epektibo kapag lumakas pa ang virus.

Simula sa outbreak ng virus noong Abril 2009, umaabot sa 18,449 ang naitalang namatay dahil sa AH1N1 subalit mas mataas umano ang totoong bilang.

Simula Ene­ro, mara­ming bansa ang itinapon na lamang ang mga vaccines para sa AH1N1 dahil sa naparaming stocks.

ABRIL

AH1N1

DAHIL

DIRECTOR GENERAL MARGARET CHAN

IPINAHAYAG

LUMILITAW

SIMULA ENE

SUBALIT

VIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with