Rep. GMA inalis na witness sa Maguindanao massacre
MANILA, Philippines - Pinatatanggal na ng mga abogado ng pamilya Ampatuan sa Quezon City Regional Trial Court ang pangalan ni dating Pangulo at Congw. Gloria Arroyo sa talaan ng kanilang mga prospective witnesses sa Maguindanao massacre case.
Tikom naman ang bibig ni defense lawyer Atty. Gregorio Narvasa II na ihayag sa sala ni QC Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang tunay na dahilan ng pag-aalis kay Arroyo bilang isa sa witness nila.
Sinasabi naman ni private prosecutor Atty. Nena Santos na galit na galit umano si Ginang Arroyo ng malamang isinama ang kanyang pangalan sa mga dedepensa sa mga Ampatuan kaugnay ng Maguindanao masaker.
“Former Justice Secretary Agnes Devanadera told me that Madam President, the former president, was very angry for her inclusion as a witness for the Ampatuans, Devanadera did not say the reason, except that the former president was angry about that,” pahayag ni Atty. Santos.
Si Devanadera kasama sina dating Justice secretaries Alberto Agra at Raul Gonzalez ang ilan sa mga nasa talaan ng pamilya Ampatuan na sinasabing kanilang mga witnesses.
- Latest
- Trending