Abalos: 'Not guilty' sa ZTE
MANILA, Philippines - Naghain ng “not guilty” plea si dating Comelec chairman Benjamin Abalos sa Sandiganbayan Fourth Division kaugnay ng pagkakasangkot sa $329.48 million ZTE-NBN deal.
Itinanggi ni Abalos ang alegasyon na inalok niya ng P200-milyon suhol si dating socio-economic planning chief at ngayo’y Social Security System (SSS) President Romulo Neri kapalit ng pagpabor sa ZTE contract.
Sinasabi din umano ni Abalos na bilang isang abogado, madali niyang maipapanalo ang kasong katiwalian na naisampa sa kanya.
“I have a very, very confident attitude. Alam ko na ultimately, I’ll be cleared,” pahayag ni Abalos.
Ang ZTE scandal ay may kinalaman sa maanomalyang pag-award umano ng $329-million construction contract sa Chinese telecommunications firm ZTE para sa National Broadband Network (NBN) project ng pamahalaan.
- Latest
- Trending