$434-milyong grant ng RP inaprub
MANILA, Philippines - Inako ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang naaprubahang Millennium Challenge Corporation (MCC) compact status ng Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, matatanggap ng bansa ang $434 milyong grant na paglaban sa kahirapan at katiwalian mula sa MCC.
Ayon kay Sec. Lacierda, naniniwala ang Malacanang na kaya inaprubahan ng MCC ang nasabing grant ay dahil sa tiwala sila kay Pangulong Aquino na maiaayos nito ang mga programa laban sa kahirapan at katiwalian.
Nanindigan ang Palasyo na walang ibibigay na kredito ito sa Arroyo administration dahil kaya inaprubahan ng MCC ang nasabing grant ay dahil tiwala sila sa administrasyon ni P-Noy.
Ayon kay Lacierda, lumiham si Aquino kay US President Barack Obama noong July 12 at tinugon naman ito ng MCC nitong Agosto 5 kaya nangangahulugan na ito ang basehan ng naging desisyon ng MCC at hindi ang nakaraang administrasyon.
- Latest
- Trending