P1,000 kada kaha ng yosi
MANILA, Philippines - Upang mabawasan na ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa, nais ni Senator Edgardo Angara na gawin ng P1,000 ang presyo ng bawat kaha ng sigarilyo o P50 kada stick.
“One thousand na para matigil na ang mga naninigarilyo,” seryosong sabi ni Angara sa gitna ng ulat na may mga nagsusulong na gawing P90 ang presyo ng bawat kaha ng yosi.
Hindi rin naitago ni Angara ang pagka-irita sa mga kasamahang senador na nanigarilyo sa loob ng kuwarto kung saan nagsagawa kahapon ng caucus ang mga senador.
Halos nahilo umano siya sa nangyaring caucus dahil may grupo ng mga senador na naninigarilyo kahit nasa loob sila ng isang airconditioned na kuwarto sa Senado.
Ayon sa isang staff ni Angara na tumangging magpabanggit ng pangalan, kahit mga aid ng senador ay iniiwasan ang paninigarilyo kapag kaharap ang kanilang boss.
Samantala, kahit kilalang naninigarilyo, pinaboran naman ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang nais ni Angara na gawing P1,000 ang bawat kaha ng sigarilyo.
“Call ako!” sabi ni Escudero na nindi naman ipinaliwanag kung bakit pabor siya sa nais ni Angara.
- Latest
- Trending