MANILA, Philippines - Binalewala ng Malacañang ang travel advisory ng United Kingdom kaugnay sa nangyaring bombing incident sa Zamboanga City International Airport.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, naresolba na ang nasabing bombing incident sa Zamboanga at natukoy na hindi ito gawa ng terorista kundi may kaugnayan sa pulitika.
“Klarong klaro sa investigation that this is not a case of suicide bombing,” paliwanag pa ni Sec. Lacierda.
Ayon kay Lacierda, malilinawan ang UK sa sandaling lumabas na ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa insidente kung saan ay 3 katao ang nasawi at mahigit 20 ang nasugatan kabilang si Sulu Gov. Abdulsakur Tan.