^

Bansa

PAL nangako sa mga piloto

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nangako na kahapon ang pamunuan ng Philippine Air Lines (PAL) na hindi na nila ililipat sa ibang airlines ang nalalabi pa nilang mga piloto at gagawa ng mga paraan para hindi na maulit ang pag-aalisan ng mga “airline workers”.

Sinabi kahapon ni DOTC Undersecretary Dante Velasco na nagkasundo na ang pamunuan ng PAL at kanilang mga piloto kung saan inaprubahan ang tatlong “commitment”.

Una dito ang pagsusumite ng PAL ng “revised flight” sa Civil Aviation Board para sa mga ruta ng kanilang paglipad na ilalathala sa mga pahayagan. Sinasabing mapapa-normal nito ang operasyon ng PAL at maba­bawasan ang bilang ng paglipad ng mga eroplano.

Nangako rin ang PAL na hindi na ililipat ang nalalabi nilang 320 airbus pilot sa “sister company” nila na Air Philippines.

Ipagpapatuloy din ng PAL ang pakikipagdayalogo sa mga piloto upang maiwasan na ang “exodus” o ang pag-aalisan ng mga airline workers patungo sa mga mas malalaki at dayuhang airlines na nagbibigay ng mas malalaking suweldo.

Luluwagan naman ng pamahalaan ang paggitna sa pagitan ng PAL management at mga manggagawa nito at hahayaan muna na maayos ang mga usapin sa sarili nila bilang isang corporate family.

Ngunit hindi umano bibitiw ang pamahalaan sa pag­ba­bantay sa isyu at muling makikialam sa pama­magitan ng DOTC kung kinakailangan.

vuukle comment

AIR PHILIPPINES

CIVIL AVIATION BOARD

IPAGPAPATULOY

LULUWAGAN

NANGAKO

NGUNIT

PAL

PHILIPPINE AIR LINES

UNDERSECRETARY DANTE VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with