MANILA, Philippines - Humina na ang bagyong Domeng pero nananatiling signal no. 1 sa 17 lalawigan sa bansa.
Ayon sa PAGASA, ngayong Biyernes, si Domeng ay inaasahang nasa layong 50 kilometro hilaga ng Aparri, Cagayan at nasa layong 130 kilometro hilaga hilagang kanluran ng Laoag City sa Sabado.
Nakataas pa rin ang signal no. 1 sa Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Mt. Province, Isabela, Ifugao, Kalinga Apayao, Abra, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Cagayan kasama na ang Calayan at Babuyan islands at Batanes group of islands.
Samantala, isang Low Pressure Area ang namataan sa 850 kilometro ng silangan ng Luzon kaya patuloy na makakaranas ng mga pag-uulan sa lugar na ito laluna sa hapon at gabi kasama na ang Metro Manila.