^

Bansa

Bagong modus nabisto ng BOC

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Nadiskubre ng ba­gong pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang mo­dus operandi ng pagpu­puslit sa bansa ng bilyun-bilyong pisong halaga ng imported rice, nang hindi nagbabayad ng kahit pisong buwis.

Ayon kay Customs Com­missioner Lito Al­varez, nagagawa ito ng mga rice smuggler sa pamama­gitan ng pagde­deklara na munggo at hindi bigas ang kanilang kargamento.

Ipinaliwanag ni Al­varez na ang munggo ay zero rated sa customs duties at value added tax, habang ang bigas ay pinapatawan ng 50 percent na custom duties at 12 percent VAT.

Kaugnay nito, nag­sampa ng kasong smuggling sa Department of Justice (DOJ) ang Customs laban sa mga may-ari ng kumpanyang Plum Blossom Import-Export Food Corporation at Full Story Source Marketing dahil sa pagpupuslit ng bigas gamit ang nabang­git na modus.

Kabilang sa mga kina­suhan sina David Manuel Ubarde, Enrico de Castro, Rex Butuan, Edwin Be­nito, Manolo Antonio Medel, at ang customs broker na si Allan Gahon.

Sinabi ni Alvarez na ang kaso ay para lamang sa apat na import entry declaration na nagka­kahalaga ng 38 milyong piso kung saan ay nasa 10 milyong pisong buwis ang hindi binayaran.

“But this is just the proverbial tip of the iceberg, since records now in the hands of BOC lawyers show that between 2008 and 2009, Plum Blossom and Full Story cleared 102 entries involving at least 2,400 containers of mung beans,” wika pa ni Alvarez.

ALLAN GAHON

ALVAREZ

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COM

DAVID MANUEL UBARDE

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDWIN BE

FULL STORY SOURCE MARKETING

LITO AL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with