MANILA, Philippines – Kinuwestyon ng mga miyembro ng Coalition of Clean Air Acdvocates (CCAA) ang pagkawala umano ng mahigit sa P10 milyung pondo na naipagkaloob ng PETC It Providers sa CCAA na dapat sana ay napapa kinabangan na nila sa mga programa hinggil sa pagtulong sa pamahalaan kaugnay ng Clean Air Act.
Sinasabing ang naturang pondo ay naipagkaloob ng PETC IT Providers na ETCit, Eurolink, RDMS at Cyberlink sa CCAA na pinamumunuan ni Herminio “Jojo” Buerano upang makipagtulungan sa pamahalaan sa kanila sa pagpapalaganap ng mga programa para sa pagkakaroon ng malinis na hangin sa bansa pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi naman napakinabangan ng mga miyembro nito ang naturang pondo.
Ang naturang pondo ay dapat sana’y ipinamahagi sa mga CCAA regional offices nationwide para magamit sa mga proyekto pero sinasabing hindi ito nakarating sa mga ito. Bunsod nito, kinukuwestyon ng mga CCAA members kung saan dinala ang naturang pondo at saan ito nagamit.
Ang CCAA ay nailunsad noong Agosto 2009 para tulungan ang gobyerno sa mga programa nito para sa Clean Air Act ng pamahalaan at ngayong buwan ay isang taon na ito pero hindi pa ito napapakinabangan ng mga regional offices nito dahil hindi pa nakakarating doon ang naturang pondo.
Bunsod nito, hiniling ng mga CCAA members na I-account ni Buerano kung saan-saan nagastos ang naturang pondo at sino ang nakinabang dito.