^

Bansa

P10-milyung pondong binigay sa CCAA, nawawala?

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ng mga miyembro ng Coalition of Clean Air Acdvocates (CCAA) ang pagkawala umano ng   mahigit sa P10 milyung pondo na naipagkaloob ng PETC It Providers sa CCAA na dapat sana ay napapa­ kinabangan na nila sa mga programa hinggil sa pagtu­long sa pamahalaan kaugnay ng Clean Air Act.

Sinasabing ang naturang pondo ay naipagkaloob ng PETC IT Providers na ETCit, Eurolink, RDMS at Cyberlink sa CCAA na pinamumunuan ni Herminio “Jojo” Buerano upang makipagtulungan sa pama­halaan sa kanila sa pagpapalaganap ng mga programa para sa pagkakaroon ng malinis na hangin sa bansa pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi naman napakina­bangan ng mga miyembro nito ang naturang pondo.

Ang naturang pondo ay dapat sana’y ipinama­hagi sa mga CCAA regional offices nationwide para maga­mit sa mga proyekto pero sinasabing hindi ito naka­rating sa mga ito. Bunsod nito, kinukuwestyon ng mga CCAA members kung saan dinala ang natu­rang pondo at saan ito nagamit.

Ang CCAA ay nailunsad noong Agosto 2009 para tulungan ang gobyerno sa mga programa nito para sa Clean Air Act ng pamahalaan at ngayong buwan ay isang taon na ito pero hindi pa ito napapakina­bangan ng mga regional offices nito dahil hindi pa nakakarating doon ang naturang pondo.

Bunsod nito, hiniling ng mga CCAA members na I-account ni Buerano kung saan-saan nagastos ang natu­rang pondo at sino ang nakinabang dito.

BUERANO

BUNSOD

CCAA

CLEAN AIR ACT

COALITION OF CLEAN AIR ACDVOCATES

IT PROVIDERS

PONDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with