^

Bansa

50 ahente, investigators ng NBI, nasa floating status pa rin

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines – Nananatiling nasa ‘floating status’ ang may 50 ahente at special investigators na kinabibila­ngan ng ranking officials ng National Bureau of Investigation (NBI) mata­pos lusawin ang anim na dibisyong itinuturing na overlapping at redundancy of functions.

Gayunman, tiniyak naman ni NBI spokesperson Special Investigator IV Cecilio Zamora, na sinimulan nang pag-usa­ pan upang mare­solba ang pagpu-pwesto sa mga ito sa ibang di­bisyon.

“Deliberations are on-going. It will not take long and this matter will be addressed,” ani Za­mora.

Kabilang sa binuwag na unit ang Background Intelligence Division (BID), Field Operations Division (FOD), Intelligence Special Operations 0Division (ISOD), Anti-Kidnapping, Hi­ jacking, Armed Robbery Division (AKHARD), Special Action Unit, at ang Special Task Force.

Bagamat inilipat na ang functions ng mga nabuwag na dibisyon, hindi umano nanganga­hulugang ang personnel ay maililipat din kung saan nalipat ang functions ng kanilang dating opisina.

Ani Zamora, ngayong linggong ito o sa susunod na linggo ay maglalabas muli ng administrative order si NBI Director Mag­tanggol Gatdula para sa nasabing reorganisas­yon.

Inatasan naman ang lahat ng hepe ng nabu­wag na unit na imbentar­yuhin ang mga nakabin­bing kaso, equipment at iba pang accountabilities ng kanilang tanggapan para sa turn-over sa Office of the Deputy Director for Intelligence Services (ODDIS).

Ang Complaints and Records Division (CRD) ay inilipat mula sa Special Investigation Service patungo sa Administrative Service.

Bukod umano sa bagong itatatag na Death Investigation Division na tututok sa mga kaso ng media at political killings, pinag-isipan na rin ni Gatdula ang  pagbuo ng Environmental and Wildlife Protection.

ADMINISTRATIVE SERVICE

ANG COMPLAINTS AND RECORDS DIVISION

ANI ZAMORA

ARMED ROBBERY DIVISION

BACKGROUND INTELLIGENCE DIVISION

CECILIO ZAMORA

DEATH INVESTIGATION DIVISION

DIRECTOR MAG

ENVIRONMENTAL AND WILDLIFE PROTECTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with