MANILA, Philippines – Nakapagtala ng may magnitude-5 na lindol sa Davao ganap na alas 8:43 kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol ay tectonic ang origin at ang epicenter nito ay nasa may 55 kilometro silangan ng Mati Davao Oriental.
Bunsod nito, na ramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 3 sa Taragona, Davao Oriental.
Wala namang naiulat na napinsala ang naturang lindol at wala ding inaasahang aftershock.