Ombudsman nakakita ng kakampi sa Malacañang

MANILA, Philippines – Kinampihan kaha­pon ng legal counsel ni Pangulong Benigno Aquino III si Ombudsman Merceditas Gu­tier­­rez matapos ipang­tang­gol na may ter­mino itong dapat ta­pusin.

Sinabi ni Presidential Legal Counsel Ed de Mesa sa media briefing, ang pinagsisilbihan ni Ombudsman Gutierrez ay bagong termino nito at hindi nito itinutuloy lamang ang un-expired term ng pinalitan nitong si Simeon Marcelo.

Ayon kay Sec. de Mesa, bagong termino ang pinagsisilbihan ni Gutierrez at ang termino nito ay hanggang 2012.

Ang pinalitan ni Gu­tierrez na si Ombus­man Marcelo ay nagbitiw noong 2005 na ang dapat termino nito ay hanggang 2009.

Subalit sa panini­wala ni de Mesa, hindi lamang itinuloy ni Gu­tier­rez ang naiwang ter­mino ni Marcelo kundi nagsisilbi ito sa bago niyang termino at ma­na­natili sa Ombudsman hanggang 2012.

Show comments