IACAT may prayoridad na kaso

MANILA, Philippines - Isa sa mga panguna­hing kasong tututukan ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na itinatag ng Department of Justice (DOJ) ay ang kaso ng negos­yanteng si Mariano Tanenglian na inireklamo ang pamilya ng tatlo nitong kasambahay ng illegal detention, physical abuse at hindi maka­taong pagtrato.

Matatandaang si Justice Secretary Leila de Lima, dating chairperson ng Commission on Human Rights (CHR), ang nag-atas sa PNP, CHR at DSWD para i-rescue ang mga ka­sam­bahay ng mga Tanenglian.

Kasunod ng pagkaka-rescue ay umusad ang kaso at sa pamamagitan ng abogado ng mga ka­sam­bahay na si Atty. Al Parreno ay hiniling nito sa DOJ at IACAT na suporta­han ang imbestigasyon sa anti-trafficking cases na isinampa laban sa maya­mang negosyante.

Kaugnay nito, na­ngako ang IACAT na higit pa nitong paiigtingin ang kam­panya laban sa trafficking in persons.

Sa pangunguna ni IACAT head Undersec­retary Jose Vicente Sala­raz ay iniutos ni Sec. De Lima ang pagtutok sa nasa­bing uri ng mga kaso kasunod ng resulta ng naging pulong sa pagitan ni President Benigno ‘PNoy’ Aquino III kung saan ay nagpahayag ang Pangulo ng labis na pagkabahala sa tumataas na kaso ng human trafficking sa bansa

Show comments