Verzosa mataas ang approval ratings

MANILA, Philippines - Nakuha ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Jesus Verzosa ang ikat­long pinakamataas na approval rating sa mga na­ngungunang opisyal na itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino.

Inihayag ng Pulse Asia na nagsagawa sila ng pam­bansang survey sa Presidential Trust Ratings, Presidential Appointments, at mga inaasahan pa sa mga opisyal ng gobyerno sa unang anim na buwan ng bagong administras­yon.

Si Verzosa na hindi tinanggal sa puwesto at muling itinalaga ni Pa­ngulong Aquino bilang hepe ng PNP ay nakakuha ng 67% approval rating mula sa 1,200 respondents sa survey.

Kabilang pa sa mga na­kakuha ng mataas na rating sa mga opisyal ng gobyerno ay sina DSWD Secretary Dinky Soliman (72 %), Justice Secretary Leila de Lima (69 %), DFA Secretary Alberto Romulo at Verzosa na nag-tie sa 67% ratings.

Sa public opinion survey na isina­gawa naman ng Asia Pacific Center for Research (ACRE) naka­kuha si Verzosa ng 70.31 satisfaction rating sa pagganap nito ng tungkulin bilang PNP Chief sa kata­ta­pos na May 10 elections. (Joy Cantos/with trainees Mary Joy Mon­dero/Mary Ann Chua)

Show comments