^

Bansa

Bgy., SK polls ipagpapaliban, panukala ihahabol sa Kamara

- Nila Mer Layson/Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni House Spea­ker Feliciano “Sonny” Belmonte na ihahabol nila sa Kamara ang pagpasa sa panukalang batas na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sanang idaos sa Oktubre 25.

Nauna rito, sinabi ni Belmonte na kabilang ang panukalang ito sa magiging prayoridad ng Kamara dahil sa gagastos na naman ang gobyerno ng P3 bilyon.

Sa pamamagitan aniya nito ay makakatipid umano ang pamahalaan sa gastusin lalo na at katatapos lamang ng halalan nitong nakalipas na buwan ng Mayo.

Sakaling matuloy ito ay nangangahulugan na ma-e-extend din ang termino ng mga barangay chairman sa 42,000 mga barangay sa bansa.

Sinabi naman ni Communications Group Sec. Sonny Coloma, bukas ang Palasyo para sa mas malawak na konsultasyon sa nasabing usapin ng pagpapaliban sa eleksyon ng barangay at SK.

Wika ni Sec. Coloma, nakahanda si Pangulong Aquino na makipag-usap sa mga mambabatas para sa konsultasyon hinggl dito.

Sa kabila nito, sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez, hihintayin na lamang nila na maipasa ang nasabing batas ngunit hangga’t wala ito ay tuloy ang kanilang paghahanda.

Kasabay nito ay muling pinaalalahan ng Comelec ang mga hindi pa rehistrado at bagong botante na magparehistro.

Ang petsa para sa pagpaparehistro sa barangay polls ay mula Agosto 4-13 habang sa SK election naman ay mula Agosto 6-15.

AGOSTO

BELMONTE

COMELEC

COMMUNICATIONS GROUP SEC

HOUSE SPEA

JAMES JIMENEZ

KAMARA

PANGULONG AQUINO

SANGGUNIANG KABATAAN

SONNY COLOMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with