Mga piloto ng PAL naglayasan
MANILA, Philippines - Muling nagkansela ang Philippine Airlines (PAL) ng international at domestic flights nito dahil umano sa kakulangan ng piloto at sama ng panahon.
Nabatid na nitong Biyernes pa nagkakaroon ng flight cancellations ang PAL dahil umano sa biglaang pagre-resign ng ilang piloto kaya maraming reset flights ang nangyayari sa mga NAIA terminals.
Lahat umano ng nakanselang biyahe ay mula sa A320 aircrafts.
“The A320 pilots left PAL because they were poached by foreign-owned airlines and offered bigger salaries that we cannot match,” sabi naman ni PAL spokesman Jonathan Gesmundo.
Hindi naman binanggit ni Gesmundo kung ilang piloto ang nag-resign ngunit tiniyak na maliit na bilang lang ito.
Sinasabing may mga grupo ng PAL crews ang magsasagawa ng protesta hinggil sa retiring age nila dahil gusto umano ng management na mag-retiro na ang mga ito sa edad 40 anyos pero iginiit nila sa PAL na palawigin ito sa 45 anyos.
Sa ngayon ay may lihim umanong pagpupulong ang grupo ng mga crew members.
Samantala sa NAIA Terminal 3 ay may 6 domestic flights ang kinansela rin dahil naman sa masamang panahon.
- Latest
- Trending