Libreng PhilHealth sa 14-milyong mahihirap na bata
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Senator Edgardo Angara na dapat mabigyan ng libreng health insurance ang nasa 14 milyong mahihirap na kabataan sa bansa.
Ayon kay Angara, tama lamang ang naging panawagan ni Pangulong Noynoy Aquino na palawakin ang coverage ng PhilHealth upang maisama ang mahihirap na batang Pinoy at magkaroon ng isang Children’s Health Insurance Program (CHIP).
Sinabi ni Angara na kamilitan ay hindi na dinadala sa doktor kapag nagkakasakit ang mga batang anak ng mahihirap dahil mas binibigyan pa ng prayoridad ang pambili ng pagkain.
Ayon pa kay Angara, hindi lamang dapat maging dependent ng health insurance ang mga mahihirap na bata kundi dapat sila mismo ay maging mga benepisyaryo.
- Latest
- Trending