^

Bansa

6 dibisyon sa NBI nilusaw

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Anim na dibisyon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang binuwag kahapon ni NBI director Magtanggol Gatdula bunga ng magkakatulad umanong ‘function’ o redundancy.

Kabilang sa iniutos na buwagin ang Special Action Unit (SAU), Special Task Force (STF), Field Operations Division (FOD), Intelligence Special Operations Division (ISOD), Background Investigation Division (BID), at Anti-Kidnapping, Hijacking and Armed Robbery Division (AKHARD).

Ang functions ng SAU at STF ay inilipat sa NBI-National Capital Region; ang AKHARD naman ay inilipat sa Anti-Organized Crime Division (AOCD); at ang FOD, ISOD at BID ay sa Counter-Intelligence Division (CID).

Samantala, ang Complaints and Records Division (CRD) naman ay ikinarga na sa Special Investigation Service to Administrative Service.

Inatasan din ni Gatdula ang mga hepe ng nabuwag na unit na mag-imbentaryo ng mga nakabinbing kaso, equipment at iba pang accountability para sa pagtu-turnover.

Sinabi ni Gatdula na kahit may binuwag na mga dibisyon, itatatag naman ang Death Investigation Division, na tututok sa mga kaso ng pagpatay sa mga miyembro ng media at militanteng grupo

Plano rin na itatag ang Environmental and Wildlife Protection Division na hahawak naman sa mga kaso ng may kaugnayan sa environments.

ADMINISTRATIVE SERVICE

ANTI-ORGANIZED CRIME DIVISION

BACKGROUND INVESTIGATION DIVISION

COMPLAINTS AND RECORDS DIVISION

COUNTER-INTELLIGENCE DIVISION

DEATH INVESTIGATION DIVISION

DIVISION

ENVIRONMENTAL AND WILDLIFE PROTECTION DIVISION

FIELD OPERATIONS DIVISION

GATDULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with