^

Bansa

6 tipster ng PDEA binigyan ng pabuya

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Anim na tipster ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pinagkalooban kahapon ng pabuya dahil sa pakikiisa nila sa ahensiya para mabuwag ang ilang malalaking sindikato ng droga sa bansa.

Ayon kay PDEA Senior Undersecretary Dionisio Santiago, ang pagbibigay pabuya sa mga impormante ay bahagi ng ika-8 anibersaryo ng pagkakatatag ng ahensya kung saan pinaparangalan ang lahat ng mga kawani o sibilyan na may malaking ambag para mabuwag ang ilang big-time drug syndicate sa bansa.

Kabilang sa mga na­bigyang tipster ay kinilala sa mga alyas na Albert Tan, Kumander Kidlat, Rex, Balpet, Taba, at Eme­rald na nakapag-ambag ng malaking operasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkakalansag ng mala­king laboratoryo ng shabu at ilang sindikato nito.

Umaabot sa P1 mil­yon ang pinakamalaking halaga na natanggap ng tipster na si alyas Albert Tan na nakapagbigay ng impormasyon hinggil sa laboratoryo ng shabu sa may Bagumbayan, Taguig City.

vuukle comment

ALBERT TAN

AYON

BAGUMBAYAN

BALPET

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

KABILANG

KUMANDER KIDLAT

SENIOR UNDERSECRETARY DIONISIO SANTIAGO

TABA

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with