19 kuwestiyunableng flood control proj. nasilip
MANILA, Philippines - Nagpasaklolo na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Department of Justice (DOJ) upang imbestigahan ang 19 na kuwestiyunableng proyekto sa flood control.
Sinabi ni DPWH Secretary Rogelio Singson, ang 19 na proyekto na nagkakahalaga ng P375 milyon kontrata ay naaprubahan dalawang linggo bago bumaba sa pwesto si dating Pangulong Arroyo at hindi na umano maaring irenogotiate at sa halip ay maglalagay na sila ng public bidding.
Pinirmahan umano ang nasabing kontrata noong June 18 at ang Special Allotment Release Order (SARO) ay lumabas noong Hunyo 25.
Sa 19 proyekto, tatlo umanong contractor ang mayroong mahigit sa isang proyekto kabilang dito ang Northern Builders, L.R tiqui builders Inc. at Tokwing construction.
Binigyan naman ni Singson ng limang araw ang mga opisyal na sangkot sa kontrata na magsumite ng kanilang eksplanasyon.
- Latest
- Trending