Registration barangay polls binago uli

MANILA, Philippines - Binago muli ng Commission on Elections ang petsa sa pagpapatala ng mga botante para sa barangay elections sa Oktubre 25.

Mula sa dating Agosto 1 hanggang 10 ay gagawin ang registration sa Agosto 4-13, habang mananatili naman ang registration period para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Agosto 6-15.

Kinakailangang i-reset ang registration period para sa barangay elections upang mabigyan ng sapat na panahon na makapagsanay ang mga field personnel ng poll body sa paggamit ng Data Capturing Machines (DCMs), na ginagamit sa registration process.

Ang registration ay isasagawa sa city o municipal election office, mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, maging araw ng Sabado at Linggo.

Show comments